If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Saturday, October 06, 2007
EXPLAIN before you COMPLAIN

 

         Kung sino man ang di sumasang-ayon sa mga pictures sa taas, itaas ang mga kamay.  Isa.  Dalawa.  Tatlo. Pakibaba ang kamay ng tatlong nagtaas.  Ngayon gusto ko namang itaas ang mga kamay ng mga sumasang-ayon.  Isa.  Dalawa.  Tatlo.  Apat.  Lima... Opps! Hindi ko na itutuloy ang pagbibilang, kahit may nakikita pa akong lagpas sa isandaan. For obvious reasons, siyempre.

         Warm-up lang 'yan, kumbaga energizer, pero puwede mong tawaging pampalakas, pampakilig, panggulat, panakot, pang-inis o kahit ano pa mang naging epekto nito sa'yo.  Tantiya ko lang, wala sa mga nabanggit ang naramdamam mo, dahil kung hindi ka natawa ay na-excite ka.  Sana.

         Wala lang, nagulat din ako nang madiskubre ko ang mga bagay na iyan, sabagay ang mga bagay naman na nadidiskubre natin mula sa ating mga sarili ay laging nakakagulat, kahit sabihin pa nating sarili natin mismo ang pinag-uusapan.  Nakakatuwa, sarili mo na nga parang di mo pa rin talaga kilala - ibang tao pa kaya.  Pero aaminin ko naman na hindi ko talaga kamukha ang mga taong nasa itaas, kahit dalawa lang sila, alam ko naman kasi kung sino talaga ang mga kamukha ko.  Ganoon naman lagi, may mga bagay na ang sarili mo lamang ang nakakaalam - at hindi ibang tao.  Nakakatuwa, may mga bagay na mismong sarili mo ay hindi maipaliwanag ang sarili niya subalit may mga bagay din naman na tanging siya lamang ang nakakaintindi.

         Parang sa love.

         Sabi ka nang sabi sa sarili mo kung sinu-sino ang mga gusto mo, pero ni minsan hindi sinabi ng sarili mo sa'yo kung sinu-sino naman ang gusto niya, minsan nagugulat na lang tayo, dahil wala sa mga sinu-sino list mo ang mga sinu-sino list niya.  O puwede ring nakapila sa listahan, pero hindi 'yun ang priority. Nagbabago din naman kasi ang kaniyang priority list, gaya nang pagbago ng priority list mo, hindi lamang sa usapin ng love kundi sa lahat ng aspeto sa buhay.  Depende 'yan sa oras, lugar, klima at pakiramdam.  Depende 'yan kung saan nagmi-meet ang gusto mo at ang gusto ng iyong sarili.  Depende 'yan.  At ang depending ito ang isa sa mga mahirap hulaan sa ating buhay.  Ang mahalaga lang, kahit gaano pa karami ang depending ito, 'wag kang bibitaw, as long as nagmamahal ka, hindi ka matatalo.

           Sa mga di mabilang na nagtaas ng kamay, maaari nyo nang ibaba!  Salamat sa pagiging totoo sa akin, at sa inyong sarili.


Posted at 09:30 pm by Zigcarlo
Make a comment